- Habang nakaupo ako sa sasakyan ng mga pulis (?) sa harap ng POSD (Public Order and Safety Dept.) building; yung sasakyan nila yung ang upuan sa likod na parang jeepney pero instead na harapan magkatalikuranJoema: Sumama ka na lang kaya sa kanila mag-ronda
Cris: Nyek! May driver na pala baka nga masama 'ko
Pagbalik ng sasakyan after a few minutes (ang dami nilang dalang bilao ng gulay – siguro ni-ransack nila yung mga vendor sa may palengke)
Joema: Tingnan mo dapat sumama ka na lang sa kanila e. Andito pa rin naman ako pagbalik nila dahil hindi pa rin nagsisimula yung seminar.
Cris: Tado!
- Habang nakatayo at pinapanood ang mga lespu na nasa sasakyan ulit handa ng rumonda for the second time pero ngayon may dala silang mga baril
Cris: Ano kaya habang nag-iintay tayo biglang may magwala tapos babarilin nila…magkakagulo
Joema: Ako na lang kaya ang magwala dahil hindi pa rin nagsisimula ang seminar
Cris: Sige kunyari magwawala ka tapos i-hohostage mo ko...Okay go!
Cris: Ako na lang kaya ang manghostage sayo (akmang sasakalin si Joema sa leeg taipong manghohostage)
Joema: Di mo nga abot yung leeg ko e
Cris: E di luluhod ka para abot ko…halatang acting na acting lang talaga.
Joema: Tapos sisigaw ka “pag hindi nyo pa sinimulan ang seminar..papatayin ko ‘to”…ay hindi, pag tinanong nila kung anong mga demands mo sasabihin mo “una: maglabas kayo ng upuan dito para nakaupo kami habang nag-iintay magsimula ang seminar, pangalawa: simulan nyo na yung family planning seminar….”
Di ko na maalala kung ano yung pangatlo dahil umiiyak na ko nyan kakakatawa!
- Habang nakaupo sa bench sa labas pa rin ng POSD building
Joema: Ang swerte naman nila Rey noh (fiancé ni Pam na doctor) hindi na nila kailangan mag-seminar
Cris: Oo nga e
Joema: Yun kayang mga dentista excempted na rin sa seminar?
Cris: Hahaha kaw minamaliit mo mga denstista ha
Joema: Hindi nga…kasi sasabihin nila doctor din sila

Cris: Parang si Ross..I’m Ross Geller, Dr. Ross Geller
Joema: Tapos si Rachel “Ross, that actually means something here”
Finally, after namin mag-intay ng isang oras...dumating din ang bruhang magpapa-seminar hehe






