Tuesday, February 20, 2007

216

We actually celebrated our anniversary on the 17th. We had a budget date, so to speak. First up was a play we watched at Wilfrido Ma. Guerrero Theater at AS. It has been more than two years since I went inside a building at UP at nagulat ako dahil hinahanap na ng ID ang mga pumapasok. What happened to the UP I’ve known, the UP where we only need an ID to borrow books from the library? (So kung di ka pala-library never mo magagamit ang ID mo). What is because of security reasons kaya naghahanap na sila ng ID? Even the Xerox girls and janitors are wearing them. Siguro nga for security reasons. I remember the time na may namatay na UP student dahil nadamay sa away ng mga frat. He was killed right there at the AS walk and to think he was innocent and was never a part of any fraternity. Anyway, when asked we just told the guard that we were going to watch a play at the theater and he let us in.

The play was titled ‘Basilia ng Malolos’. The tickets were expensive – P250. Dati wala ang P100 ang ticket pag sa Guerrero theater nanood ng play. Pakshet ganon na ba talaga ko katanda?!? Or sobrang nag-depreciate lang talaga ang peso? I think it’s the latter nyahahaha. The play was to start at 3pm but we were there early so tambay muna kami sa AS infront of room 216..aaawww!! hahaha sorry ang baduy!

We took pictures of each other and the halls of AS.




Sarap ng college life! Kung alam ko lang na ganito kahirap maging empleyado e di sana tinagalan ko na ang pag-aaral ko ng college.






Conversation we had while waiting for the play:

Joema: Bakit ang tawag dun sa mga driver ng truck pahinante?
Ako: E bakit ikaw Joema ang pangalan mo?
Joema: Hindi, bakit pahinante? Nagpapahinga ba sila kaya ganon?
Ako: Ano??? E di ang ahente nag-aahen din?





Hahaha gago naming magkwentuhan noh? Si Joema kasi ang hilig magtanong nyan bat ganon ang tawag sa isang bagay kaya lagi ko ring sagot ‘bat ikaw Joema pangalan mo?’. Kailangan kasi sa kanya parating may etymology.

The play started late – 315 na ata yun. Super tagal ng kwento grabe! Mula 23 years old yung bida hanggang sa halos kwarenta na ata sya dun sa kwento e di pa rin natatapos. Hayop! Ang sakit sa pwet noh! Ahahahaha. Okay na sana yung kwento kasi about women empowerment nung panahaon ng Spanish occupation dito sa Philippines chaka may mga sundot ng humor kaya lang parang sobrang haba talaga nya. Akala ko nga wala na nung 10min intermission dahil late na sila nagsimula yun pala meron pa rin. Na-late tuloy kami ni Joema sa mass sa UP chapel. After the mass, we ate dinner at Likha-Diwa sa Gulod - yung dating Sarah's. Di na sya inuman ngayon parang art gallery/resto/cafĂ© na yung place. Okay nga e.







Actually this place was introduced to me by Joyce – ni-treat nya ko dito ng merienda dati at super nagustuhan ko yung food nila. Also, the place is so cozy para ka lang nasa bahay dahil nakasalampak kayo sa sahig. We ordered their crabmeat salad, shrimp chopsuey for me, pusitsig (sisig na pusit) for Joema and banana crepe for dessert.

Sa sobrang busog naming lalakarin sana namin from Krus na Ligas to Sunken Garden. Kaso sumakay din kami pagtapos naming maglakad ng isang block hehe kasi naman wala ng sidewalk na pwede lakaran. You’d think we were really full when we got to Sunken – pero dahil sa dami ng nagtitinda don (UP fair kasi) di rin kami nakatiis. Bili kami ng squid balls at kwek-kwek. Ang sarap! Eto pa nung nasa fair na kami (actually sa labas lang kami di kami pumasok), dami na naman naka-black – mga punks-not-dead! You see the first time I went to the UP fair (graduate na ko non), I went with my barkada. Sobrang natakot kami kasi nanggulo yung mga outsiders (yung mga punks-not-dead nga). Hinahampas nila yung fence na tinayo as in nambubulabog sila. Pinipigil na nga sila nung security don e – at nun ko nakita si Atom Araullo (officer ata sya sa SC). So yun na nga daming naka-black kahit ngayon. Dun lang naming na-realize na si Joema naka-itim din hahaha. Sabi ko punks-not-dead din sya. Sabi nya okay nga din yon atleast di nila kami guguluhin dahil akala nila kagrupo nila kami hahahaha. Dami talagang mga outsider pag fair – may mga bata, magkakabarkada, may family pa. We overheard one kid yelling to another (as in nag-aaway sila) : Yung nanay mo hindi virgin! Wahahaha gusto ko sumagot: yung nanay mo rin!

My failed attempt at taking a picture of the grounds. The Saturday event was dubbed UP Not Fair Sale.




Mga nasilaw sa flash

We didn’t stay long at the fair and went home early – 930pm! Joema wanted to relax a bit sa bahay before he goes home sa Bocaue. And I was a bit tired na rin so we left na nga. It was the perfect budget date for us!

No comments:

A Love Letter to the Father of My Children

Dear Honey, Yesterday was Father's Day but I don't think any celebration is enough to celebrate how good a father you are to our k...