Bigla naman akong nalungkot. Bakit ba may mga bagay na nangyayari sa buhay natin na wala tayong control? Hindi ko maintindihan. Marami akong hindi maintindihan. Bakit sa isang iglap pwedeng maglaho ang lahat. Bakit pa tayo nagpapakahirap magtrabaho, mabuhay ng maayos kung wala naman pala tayong control sa pwedeng mangyari sa atin. Nag-guilty ako na naiisip ko ang mga bagay na pumapasok sa utak ko pero di ko mapigilan na magtanong kung bakit. Kaya nakakabilib din yung mga taong ang dami-daming dumadating na pagsubok sa buhay nila pero ayan mga nakatayo pa rin, nabubuhay na parang walang nangyari at patuloy na umaasang may dadating mas magandang bagay. Ako inaamin ko walang kwenta kumpara sa iba ang mga problemang dumadating sa akin pero di ko na kinakaya agad. Marami na agad akong tanong. Hindi ko alam kung ano bang purpose ng buhay ko. Andito ba ko sa dahil dapat tumulong ako sa ibang tao. Pero ano bang pwede kong gawin para makatulong. Gusto ko man isipin na kahit papano nakakatulong ako, pero alam kong kulang pa rin ang ginagawa ko. Minsan naman wala talaga kong pwedeng magawa. Pinagdadasal ko nga pero di naman napapgbigyan yung dasal ko. Di naman para sa kin lang yung pinagdadasal ko pero ayaw pa rin ibigay. Bat ganon? Kailangan na lang bang tanggapin na lang yun ng ganon. Pikit-mata na lang. Aasa na lang na may katuturan ang mga bagay kahit di mo maintindihan.
Walang sense 'tong post na 'to. Wala lang talaga kong sense ngayon. Pagbigyan nyo na ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
A Love Letter to the Father of My Children
Dear Honey, Yesterday was Father's Day but I don't think any celebration is enough to celebrate how good a father you are to our k...
-
In my last post, I've mentioned that we don't have an OB yet and that we were scheduled to visit one. So yesterday morning, Saturday...
-
As mentioned in my earlier post, we wanted to go to Carter’s to buy clothes for our baby girl. But instead of going there with Joema, I went...
-
Miya's Christening was fuss free. I know where I wanted her to get baptized and we had a choice of the restaurant for the reception more...
No comments:
Post a Comment