Saturday, July 26, 2008

While Waiting

Dahil sa tagal naming nag-intay para magsimula ang DSWD family planning seminar kung ano-ano na napag-usapan namin ni Joema

- Habang nakaupo ako sa sasakyan ng mga pulis (?) sa harap ng POSD (Public Order and Safety Dept.) building; yung sasakyan nila yung ang upuan sa likod na parang jeepney pero instead na harapan magkatalikuran
Joema: Sumama ka na lang kaya sa kanila mag-ronda
Cris: Nyek! May driver na pala baka nga masama 'ko

Pagbalik ng sasakyan after a few minutes (ang dami nilang dalang bilao ng gulay – siguro ni-ransack nila yung mga vendor sa may palengke)

Joema: Tingnan mo dapat sumama ka na lang sa kanila e. Andito pa rin naman ako pagbalik nila dahil hindi pa rin nagsisimula yung seminar.
Cris: Tado!

- Habang nakatayo at pinapanood ang mga lespu na nasa sasakyan ulit handa ng rumonda for the second time pero ngayon may dala silang mga baril

Cris: Ano kaya habang nag-iintay tayo biglang may magwala tapos babarilin nila…magkakagulo
Joema: Ako na lang kaya ang magwala dahil hindi pa rin nagsisimula ang seminar
Cris: Sige kunyari magwawala ka tapos i-hohostage mo ko...Okay go!

Cris: Ako na lang kaya ang manghostage sayo (akmang sasakalin si Joema sa leeg taipong manghohostage)
Joema: Di mo nga abot yung leeg ko e
Cris: E di luluhod ka para abot ko…halatang acting na acting lang talaga.
Joema: Tapos sisigaw ka “pag hindi nyo pa sinimulan ang seminar..papatayin ko ‘to”…ay hindi, pag tinanong nila kung anong mga demands mo sasabihin mo “una: maglabas kayo ng upuan dito para nakaupo kami habang nag-iintay magsimula ang seminar, pangalawa: simulan nyo na yung family planning seminar….”


Di ko na maalala kung ano yung pangatlo dahil umiiyak na ko nyan kakakatawa!

- Habang nakaupo sa bench sa labas pa rin ng POSD building

Joema: Ang swerte naman nila Rey noh (fiancé ni Pam na doctor) hindi na nila kailangan mag-seminar
Cris: Oo nga e
Joema: Yun kayang mga dentista excempted na rin sa seminar?
Cris: Hahaha kaw minamaliit mo mga denstista ha
Joema: Hindi nga…kasi sasabihin nila doctor din sila
Cris: Parang si Ross..I’m Ross Geller, Dr. Ross Geller
Joema: Tapos si Rachel “Ross, that actually means something here”

Finally, after namin mag-intay ng isang oras...dumating din ang bruhang magpapa-seminar hehe

Rural Bank of Cainta sa bayan ng Antipolo

9 comments:

~currant7 said...

galing ng new banner ah! :D
ganyan talaga ang planning seminar. swerte kami na di na namin kailangan iyan since nag CEFAM kami ni E early on na. nakakainis din kasi...sayang ang araw tapos limited lang ang mga classes.

thanks for sending your condolences for my gramps.

sige, i'll try to post the stopovers of our cruise. medyo busy lang talaga ang work load ko.

ingats for now! :D

cris said...

hay nakakainis talaga dahil sayang ang leave. buti na lang we finished everything (seminar and marriage license application) all in one day. will blog about it soon.

can't wait for your euro trip posts. enjoy and take care!

karen said...

ahhhhh! i'm at 74 days!!!!

cris said...

OMG!! less thank 100 days! is that why you haven't been blogging? too busy with wedding preps?

karen said...

Yes! Ang dami pang gagawin!

Anonymous said...

hahaha nawindang kakaantay ng seminar...sis dapat ba talaga mag-leave/absent kami nito? di pwede weekend? waaa

cris said...

i don't think so. sa antipolo the seminar is held only on tuesdays and thursdays. better call city hall (of your town or fiance's town) before going. this will save you time. kesa punta ka don tapos wala palang seminar e di babalik ka pa ulit.

Anna said...

Cris: Parang si Ross..I’m Ross Geller, Dr. Ross Geller
Joema: Tapos si Rachel “Ross, that actually means something here”

HAHAHAHA! I REMEMBER THIS EPISODE! KWELA BA THE SEMINAR PROPER? YUNG SA MIN MY GOD, KAKAIBA EH - SA CITY HALL RIN KASI!!!!

cris said...

hahaha oo kwela naman. tinarayan ko pa yung nagpa-seminar! LOL

A Love Letter to the Father of My Children

Dear Honey, Yesterday was Father's Day but I don't think any celebration is enough to celebrate how good a father you are to our k...