Grabedad! Nakakita ko ng hino-holdup na jeep!
Nakasakay akong shuttle at malapit na kong bumaba sa subdivision namin. May pumara na jeep sa harap ng car na nasa unahan nung shuttle bago dumating sa gate ng subd namin. Medyo naasar pa ko kasi ang lapit ko na bumaba ang tagal pa magbaba nung jeep. Akala ko nga pinapalipat lang nung driver yung mga pasahero dun sa isang jeep. May bumaba na dalawang lalaki tas biglang bumaba din yung driver parang hinahabol nya. Nagulat na lang ako pagtaaas nung bumabang lalaki ng kamay nya may hawak na baril! Takot talaga ko. Sabi na lang nung driver ng shuttle na hold-up daw yon. Sa harap pa naman ako nakaupo kaya kitang kita ko yung pangyayari. Tumawid lang ng kalye yung 2 lalaki. Hindi na nakapalag yung driver dahil tinutukan na sya ng baril balik na lang sya sa jeep nya. Tas parang wala lang nangyari dahil yung kotse sa harap namin in-overtake lang yung jeep tas yung shuttle namin nag-overtake lang din. Nakakalungkot dahil wala man lang tumulong dun sa mga pasahero nung jeep. :( Pagbaba ko ng subdivision madaling madali pa ko sa paglalakad kasi iniisip ko na baka pumunta dun yung mga nanghold-up. Haay...Pasalamat na lang talaga ko never ko pa na-experience yon. Parang naiiyak na nga ako kanina samantalang hindi naman ako yung na-hold-up. I'm more scared on the thought of experiencing the whole thing than losing my valuables. Sana wag mangyari sa kin yon.
Friday, March 24, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
A Love Letter to the Father of My Children
Dear Honey, Yesterday was Father's Day but I don't think any celebration is enough to celebrate how good a father you are to our k...
-
In my last post, I've mentioned that we don't have an OB yet and that we were scheduled to visit one. So yesterday morning, Saturday...
-
As mentioned in my earlier post, we wanted to go to Carter’s to buy clothes for our baby girl. But instead of going there with Joema, I went...
-
I know this is kind of a delayed reaction. But anyway, here are my thoughts on Ramiele's elimination from American Idol . First of all, ...
No comments:
Post a Comment